Municipal library, basura kay Aquino– Koko

ITINUTURING umano ni Pangulong Benigno Aquino III na “basura” ang municipal libraries sa buong bansa dahil walang kahit isang singkong duling na inilalaan ang administrasyon upang mapaunlad ang sistema ng mga silid-aklatan sa bansa.

Ganito ang pahiwatig ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III sa kalagayan ng mga public repositories sa buong bansa matapos matunghayan na umaabot lamang sa 507 mula sa 1,509 munisipyo ang may silid-aklatan sa kabila nang umiiral na batas.

Sa kanyang talumpati sa Philippine Libraries Association sa ika-77 National Book Week, lubhang nadismaya si Pimentel sa kasalukuyang kalagayan ng mga public library sa buong bansa dahil kapos ang pondong inilalaan ng gobyerno upang mapaunlad ang sistema.

Sinabi ni Pimentel na kahit tumaas ang bilang ng silid-aklatan sa buong bansa simula nang maisabatas ang Republic Act 7743 noong 1994, ay marami pang dapat na baguhin at paunlarin sa mga public repositories, kumpara sa pamantayan ng ibang bansa.

“The culprit, of course, is not that there is a lack of appreciation for libraries among the officials of these local government units. It is the funding of the local government unit concerned that is needed to be able to establish a library. Local governments must supply the funds before a library can be established. Without the expressed provision of the local government, any library cannot exist,” aniya.

Kinalampag ni Pimentel ang pambansang pamahalaan na maglaan ng mas maraming pondo sa public libraries upang mahikayat na magbasa ang mga Filipino at maipabatid ang kahalagahan nito.

Sa 1,509 munisipyo sa buong bansa, umabot lamang sa 507 bayan ang may sariling silid-aklatan o tinatayang 33 porsiyento ng kabuuang bilang.

Nabatid ni Pimentel na kapos sa libro ang mga silid-aklatan na pinamumugaran lamang ng mga speeches ng mga pulitiko o librong donasyon mula sa Amerika.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply