Murang text message simula na ngayong araw

SINIMULAN na National Telecommunications Commission (NTC) ang pagpapatupad ng mas murang singgil sa text messages ngayong araw.

Ayon kay NTC Commissioner Delilah Deles, mula piso ay 80 sentimos na lang ang singil sa text messages ng Globe Telecoms, Smart Communications at Sun Cellular.

Una nang inatasan ng NTC ang mga telcos na ibaba sa 15 sentimos ang “interconnection charge” sa kada text message na ipinadala sa dalawang magkaibang telecommunications company.

Inatasan din ng komisyon ang mga telcos na tiyaking mabilis na makakarating sa mga consumer ang ipinadalang text message.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply