Murder isinampa na vs killer ng ama ni Charice

HINDI homicide kundi kasong murder ang isinulong kaninang umaga ng Laguna Prosecutors Office laban sa lalaking pumatay kay Ricky Pempengco, ama ni International Pinay singing sensation na si Charice.

Ang bagong kaganapan ay nang ibasura ng piskalya ang kahilingan ng suspek na si Angel Capili Jr. na ibaba sa  homicide ang reklamo laban sa kanya.

Iginiit ni Capili Jr. na ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili pero inisnab ito ng prosekutor dahil may nakitang probable cause para itaas ang kaso sa murder.

Ayon kay Laguna Provicial Prosecutor George Dee, bukod pa rito ay may sapat na basehan upang kasuhan ng murder si Capili.

Paliwanag din nito, na naroon ang element of treachery at sinadya ito kaya murder case ang kanilang isinampa laban kay Capili Jr. sa San Pedro Laguna Regional Trial Court.

Matatandaang, sinaksak ni Capili Jr. ng icepick  ang biktimang si Ricky habang bumibili ng sigarilyo sa isang tindahan na ilang metro lamang ang layo sa kanyang bahay.

Nakatayo pa ang biktima at tinanong ang suspek na si Capili Jr kung bakit siya sinaksak at ang retalyasyon nito ay sinaksak pang muli ang biktima na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Matapos naman ang ilang araw na pagtatago ay sumuko rin si Capili Jr para harapin ang kanyang kasong kinasasangkutan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply