MVIS

ANO na nga ba ang nangyari sa proyekto ng Land Transportation Office (LTO) na Motor Vehicle Inspection System (MVIS)? Ang MVIS ay isang equipment na ginagamit sa ibang bansa para sa taunang rehistrasyon ng mga sasakyan. Ang MVIS ay isang napakagandang proyekto ng LTO kung ito man ay natuloy ayon sa plano nila.

Ang MVIS project ng LTO ay nagsimula noong 2007 sa pamumuno ni dating LTO Chief Reynaldo Berroya na nagsagawa ng bidding.

Ang pondong ginamit raw dito ay galing sa Road Users’ Tax. Ang equipment na gawa pa sa bansang France ay galing sa kompanyang Actia Muller. Subalit noong dumating ang unang batch ng equipment ay si Alberto Suansing na ang nakaupong hepe sa LTO noong inagurasyon ng unang MVIS na nilagay sa LTO East Ave taong 2008.

Ang unang batch ng equipment na dumating ay inilagay sa LTO East Avenue, Pasay City, Cebu City, San Fernando sa Pampanga, isa sa lalawigan ng Batangas, at sa Davao City. Ang halaga raw ng unang batch ng equipment ay mahigit 100 milyong piso kasama na ang pag-instala. Ngunit ang balita ko ay non-operational pa daw ang Batangas at Davao City. At noong 2009 naman ay dumating na ang 2nd batch ng equipment na para sa LTO Gensan, Cagayan de Oro, Iloilo City, San Fernando sa La Union at Tuguegarao sa Cagayan.

Lahat ng nasa 2nd batch na iyan ay non-operational pa rin hanggang ngayon.

Sayang naman ang Road Users’ Tax na iyan. Alam kaya ni PNoy na may ganitong proyekto ang LTO? Sa 11 equipment na binayaran galing sa Road Users’ Tax ay aapat pa lang ang napapakinabangan, eh halos patapos na ang taong 2011.

Sayang na sayang. Ang MVIS ay isang “total package” equipment. Di tulad sa kasalukuyang ginagawa ng LTO sa atin na emission test lang ang kailangang ipasa eh ayos ka na, sa MVIS ay maraming susuriin sa iyong sasakyan tulad ng signal lights at brake lights, headlights kung tama ba ang taas at lakas nito, lakas ng preno, at maging ang suspension ay sinusuri din at marami pang iba bukod sa emission.

At kung babagsak ang iyong sasakyan kahit sa isang pagsusuri, kunwari ay mahina ang iyong preno, ay pababalikin ka na lang at kailangang ipaayos mo muna ito bago marehistro. Napakagandang paraan para talagang malaman kung road-worthy ang isang sasakyan. Kaya lang aapat nga lang ang gumaganang equipment sa buong bansa. At kung dumating naman ng panahon na lahat ng LTO ay may ganitong kagamitan na, di kaya pagmulan na naman ng bagong katiwalian ito? Syempre, kung hindi pasado ang iyong mga ilaw, preno, o suspension ay maglalagay ka na lang di ba kesa bumalik ka pa. Paano kung wala ka pang pera pampagawa? Sa emission nga hanggang ngayon gawain pa rin iyan para pagdating sa kalsada ay may huli pa rin sila. Doble kita nga naman. Pakituwid naman po ang mga daan diyan sa LTO Assec. Torres! Matagal-tagal na rin kayo dyan sa upuan ninyo.

***

GUSTO kong batiin ng Maligayang ika-7 Anibersaryo ang TopGear Philippines sa pangunguna ng kanilang Editor-In-Chief na si Vernon Sarne at sa lahat ng bumubuo nito kasama na ang mga magagaling na manunulat na sila Ferman Lao, Botchi Santos, Dong Magsajo, mga beteranong sila Aris Ilagan at Senyor Al Mendoza at marami pang iba. Ang No. 1 car magazine sa bansa ay magdiriwang ng kanilang anibersaryo ngayong Huwebes sa Amber Ultralounge sa Bonifacio Global City. Kung gusto ninyo ng sariwang balita araw-araw tungkol sa motoring ay puwede ring mag log-on sa www.topgear.com.ph

***

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko din kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operators nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply