Na-trauma sa magnanakaw, Alfred Vargas lilipat na ng bahay

HINDI man iuurong ni Quezon City councilor at aktor na si Alfred Vargas ang kasong qualified theft laban sa kanyang kasambahay na nagtangkang pagnakawan siya.

Balak naman ng konsehal na lumipat ng tirahan dahil sa takot na balikan ng mga kasamahan ng suspek bagama’t nanindigan ang kanyang kasambahay na mag-isa lang nitong ginawa ang pagpuslit sana sa nasabing vault.

“Sobrang nalulungkot ako kasi kung sino pa yung pinagkakatiwalaan ko, siya pa yung gagawa sa akin nito. Sa totoo lang, alam ko rin naman dulot ito ng kahirapan, ng pangangailangan. Naiintindihan ko naman yun. Pero i don’t feel safe pa uli,” ani Vargas.

Nadiskubre rin daw ng aktor na bukod sa tangkang pagtangay ng kanyang vault, nawalan din ito ng mamahaling relo at ilang cash at pakiramdam daw niya ay matagal na itong ginagawa ng kanyang kasambahay.

Sa ngayon ay nakikitira na lang si Alfred sa kanyang kapatid o ina hangga’t hindi pa nahuhuli ang pinaghihinalaang kasamahan ng kanyang kasambahay.

Samantala, naipaalam na rin daw ng aktor sa kanyang asawang si Yasmine Espiritu, na kapapanganak pa lang sa Italy, ang nangyari at lubos itong nag-alala kaya’t panay ang tawag at text.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply