Na-trauma sa pagkakautas ng mga utol, nagbigti

ANG magkakasunod na pagkakapatay sa kanyang dalawang kapatid ang sinasabing dahilan ng pagka-trauma ng isang lalaki na nauwi sa pagbibigti nito sa Quezon City kaninang umaga.

Nadiskubre ang wala nang buhay na bangkay ng biktimang si Rodlyn Canama, 38, tubong Cebu ng 1406 Gana compound, Brgy. Unang Sigaw, Balintawak, QC gamit ang isang nylon cord na itinali sa kanyang leeg.

Batay sa isinumiteng ulat ni PO3 Wilfredo Corona, may hawak ng kaso ng Quezon City Police District station 3 Talipapa, tinatayang nangyari ang pagpapakamatay ng biktima sa pagitan ng alas-2:00 ng madaling-araw hanggang 7:00 ng umaga kanina sa ikalawang palapag sa kuwarto ng biktima sa Gana Compound, Bgy. Unang Sigaw, Balintawak, QC.

Ayon sa misis ng biktima na si Marlyn, huli niyang nakausap ang mister 1:00 ng madaling-araw kanina at sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpabili pa umano sa kanya ng “red horse”  beer at nag-inom muna.

Pagkaraan ay pinababa umano sila ng kanyang anak at sinabihang iwanan muna siyang mag-isa.

Kanina, dakong 7:10 ng umaga nang nadiskubre ang biktima na nakabigti gamit ang nylon cord na itinali sa leeg at ipinulupot ang dulo sa kisame ng bahay.

Napag-alaman na napatay ang kapatid ng biktima noong nakaraang taon sa isang holdapan na nasundan pa ng mapatay  din ang isa pang kapatid nito noong nakaraang buwan.

Ayon sa pulisya, maaaring bukod sa dinamdam ng labis ng biktima ang pagkamatay ng dalawang kapatid ay na-trauma ito matapos mabugbog at natakot na baka siya na ang susunod na mapapatay kung kaya mas minabuti nitong magpakamatay na lamang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply