Na-trauma sa ‘Survivor!’

MALAKI ang hirap ni Alyssa Alano sa SURVIVOR Double celebrity challenge na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa Telebabad ng GMA-7. Mahigit isang buwan din ang inilagi ng mga bagong cast away sa isla ng Palawan kung saan iba’t ibang experience ang naranasan nila run.

Gusto na ngang sumuko ni Alyssa sa mga pinagagawa sa kanila ng host nitong si Richard Gutierrez pero hindi niya pinairal ang kapaguran kahit magkanda-sugat o galos ang malaporselana niyang kutis at katawan. Kahit naiiyak na, pinipigilan na lang niya dahil ayaw niyang ipakita ang karuwagan sa sarili.

“Nung una, masarap ang feeling namin sa isla dahil magkakasama kayo at nagkaroon kami ng bonding sa isa’t isa.

“Run namin nakilala ang bawat isa,” wika niyang alanganin ang pagkakangiti. “Masaya lang nung una. Habang tumatagal, nalulungkot ka na at parang gusto mo nang tapusin  at bumalik ng Maynila.”

Humanga si Alyssa sa katapangan ni Stef Prescot. Nang makagat ito ng ahas, agad niluwas sa Maynila at agad ding binalik sa isla na parang walang anumang nangyari. “Talagang makikita mo ang katapangan saka ang hirap na kanyang dinanas,” sabi niyang mababakas ang paghanga sa young actress. ” ‘Yung kaputian ni Stef, nasira talaga ang byuti nito.”

***

BUKAL sa puso ni Vice-Gov Daniel Fernando ang pagtulong sa kapwa kababayan sa Bulacan. Mula Lunes hanggang Biyernes, nasa kapitolyo siya upang maglingkod. Hindi talaga nawawalan ng tao ang kanyang opisina na karamiha’y humihingi ng tulong at hindi naman sila nabibigo sa kanilang paglapit sa kanya. Siya mismo ang humaharap sa kanila kaya ganun na lang ang labis na paghanga ng mga Bulakeno sa kababayang si Daniel. Sabi nga ng isang ginang habang bitbit ang anak, di raw mahirap lapitan si Vice Gov. “Tinutulungan niya kami maski anong araw kami lumapit sa kanya.”

Iba-iba ang inilalapit kay Vice-Gov. Daniel. May mga may sakit, problema at kung anu-ano pa na agad namang kanyang tinutugunan.

Kadalasan nga, dahil datung ang hinihingi, halos sariling pera na ang kanyang naibibigay. “Pantay-pantay lahat para sa akin para masaya.

Kahit walang matira sa ating bulsa, okay lang,” nakangiti niyang tugon. “Priority siyempre natin ang mga indigent.”

Habang walang ginagawang teleserye si Daniel, pinagtutuunan muna niya ng pansin ang mga constituents sa Bulacan. Malapit na pala niyang gawin ang stageplay na JOB MOOG kasama si Roi Alvares, Toby Alejar, Jordan Castillo, Ralph San Jose at si Prof/director Cesar Macaspac.

***

NAGPAPASALAMAT ako sa mga bumati sa aking kaarawan last Nov. 5. Sa kapatid, pamangkin Tita Lolit Solis, Kuya Jireh, Sen. Bong, Andeng Ynares, Jobelle Salvador, VG. Daniel Fernando, Wilson Tieng, Jobert Sucaldito,  Zielo Dizon at Tita Nene Riego. Salamat na rin dun sa hindi nakaaalalang bumati at magbigay ng datung (etsing).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply