Nadaya si Marquez – WBC president

KUMBINSIDO si World Boxing Council president Don Jose Sulaiman na pinagkaitan ng panalo si Juan Manuel Marquez ng Mexico sa kanilang laban ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao nitong Linggo.

Ayon sa maraming kritiko, kinontrol ni Marquez ang laban ngunit nadepensahan ng Filipino champion ang World Boxing Organization (WBO) welterweight title belt nito sa pamamagitan ng majority decision.

Ang maraming observers at analysts ay walang patid ang pagtatalo at naniwala ang karamihan na si Marquez ang nanalo sa labang iyon.

Ayon kay Sulaiman, injustice o kawalan ng hustisya sa panig ni Marquez nang pagkaitan ito ng panalo.

“The judges say that Pacquiao won. I saw the fight and all I can say is that Marquez did not deserve to lose. He did not deserve to lose. It’s an injustice,” pahayag niya.

Naniniwala si Sulaiman na ang matinding performance ng Pambansang Kamao ay hindi nakita at malapit na umanong matapos ang karera nito.

Ayon sa WBC president, nagtataka siya kung bakit pumabor kay Pacquiao ang tatlong hurado.

“He’s a federal lawmaker and a boxer involved in politics who is so committed to his country, well, during that time he won’t think about boxing. Boxing is second best,” wika pa ni Sulaiman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply