Nag-pageant sa sementeryo: 8 bakla arestado

DINAKIP ng awtoridad ang walong bakla matapos magsagawa ng gay beauty pageant sa loob ng Manila North Cemetery Lunes ng gabi.

Mahigit 100 ang nagsiksikan upang mapanood ang nasabing pageant na isinagawa sa ibabaw ng mga puntod.

Agad namang hinuli ng mga security volunteer ang nasabing grupo.

Gayunman, marami sa mga ito ang tumakas at nakawala.

Ayon sa Manila Police District (MPD), inaresto nila ang mga nasabing bakla dahil nakaabala ito sa iba pang dumadalaw sa sementeryo at pambabastos din sa alaala ng mga sumakabilang buhay na.

Dumipensa naman ang ilan sa mga nahuli at iginiit na taon-taon na nilang ginagawa ang nasabing contest.

Hawak na ng MPD ag mga bakla na sasampahan ng mga kasong alarm and scandal at desecration of the dead.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply