‘Nagbigti’ na 11-anyos, hinihinalang pinatay

MALAKI ang hinala ngayon ng pamilya ng 11-anyos na batang lalaki napinatay at hindi nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti ang anak kahapon (Nobyembre 2) sa Purok 2, Brgy. Togbongon, Surigao City.

Inihayag ng step father na si Gumersindo Monato na hindi nila matukoy ang dahilan sa pagbigti  ng bata lalo na’t wala naman itong iniindang problema, hindi rin pinalo o pinagalitan ng ina nito.

Kinilala ang biktima na si Jefferson Dapas, Grade 2 pupil sa isang pampublikong paaralan.

Sa salaysay ni Monato, alas-10:30 ng umaga kahapon nang makauwi siya mula sa pagbisita sa sementeryo ng Brgy. Ipil, hindi na siya makapasok ng bahay, naka-lock ang pintuan at  maingay ang loob sa pagpapatugtog ng radyo kaya naman sa bintana pinilit niyang mabuksan ito.

Sa pagsilip pa lang sa bintana nakita ang menor de edad na nagbigti gamit ang isang nylon cord.

Dagdag pa nito, tumawag kaagad siya sa kapitbahay at nagpatulong sa mga ito lalo na’t hindi pa dumating noong oras na iyon  ang kanyang asawa na pumunta rin sa sementeryo sa kabilang bayan.

Dahil dito, may hinala si Monato na pinaslang ang bata at pinalabas lamang na nagpamatay ito upang maikubli ang naganap na krimen. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply