Naging Box Office Queen na!: Sarah Geronimo, wala nang dapat na ika-insecure kina Anne, Cristine At Vice Ganda

NAKARARAMDAM pala ng matinding pressure ngayon si Sarah Geronimo lalo pa’t malapit ng ipalabas ang movie nila ni Gerald Anderson na “Won’t Last A Day Without You.” Parehong naging matagumpay kasi sa takilya ang sinusundan nilang pelikula na “No Other Woman” nina Anne Curtis, Cristine Reyes at Derek Ramsay at ang palabas pa rin ngayong “The Unkabogable Praybeyt Benjamin” na pinagbibidahan naman ni Vice Ganda na naabutan na ang box office returns ng NOW na P280 million.

“To be honest, yeah, sobra! On a positive note naman, mas natsa-challenge kami na pagbutihan pa lalo ‘yung trabaho namin ni Gerald. Sana lang talaga mag-last siya sa puso ng mga moviegoers,” say pa ni Sarah na aminado ngang kabado ngayon sa magiging resulta ng movie nila. At paglilinaw pala ng sikat na young singer-actress ay hindi sequel ng blockbuster movie nila ni Gerald na “Catch Me…I’m In Love” itong bago nilang pelikulang produced pa rin ng Star Cinema at ng Viva Films.

Well, we heard na ang ganda-ganda ng story ng WLADWY, at malaki ang potential na makakahabol ito sa two high-grossing films na No Other Woman at Praybeyt Benjamin. Another thing, may dapat pa bang ika-insecure itong si Sarah eh, nauna na siyang naging Box Office Queen kina Cristine at Anne. Tinuod (totoo) gyud!

***

Lady gov’t official malaki ang inggit kay famous female TV host-lawyer

ZINOLALA??? My BFFT Pete A. ang Lady goverment official na ito na kahit mas mataas ang posisyon niya kay famous Female TV-host lawyer ay may inggit pa ring namamayani sa puso niya rito? Papano, mas madali at mabilis umaksiyon ang nasabing abogada lalo na sa pag-rescue ng mga bihag at pagpapalaya sa mga kababayan nating preso na inosente sa mga kasalanang ibinibintang sa kanila. Ito naman kasing si lady official, matapang lang ang dating pero mabagal namang kumilos.
Ayan tuloy kinakabog siya ng kanyang best enemy kuno. For sure, wala siyang (lady govt. official) weather na panoorin ang show ng kapuwa public servant sa Kapatid network at baka lalo lang umusok ang galit niya at inggit niya rito.

Asunto o Areglo? Get’s mo gyud!

***

‘Sharing’ sa mga Kapitbahay ng winner sa Juan For All, All For Juan sa Eat Bulaga

LAHAT nang paraan na tulong na puwedeng gawin ng Eat Bulaga Dabarkads sa mga Kababayan natin ay kanilang ginagawa mula sa puso. Yes, maliban sa kanilang daily win- ner sa public service segment na Juan For All, All For Juan: sugod-bahay sa barangay at Bayanihan Of ‘Da Pipol sa segment rin na ito. May “Sharing” pa silang tinatawag kung saan puwedeng mamili ng apat na kapitbahay ang nanalong residente sa iba’t ibang barangay na bibigyan din ng mga regalo ni Bossing Vic Sotto. Tulad na lang ni Ginang Raquel Gonzales ng Brgy. East Tapinac, Olongapo City na winner last Saturday na tumanggap ng halagang almost 100,000 Cash at sangkaterbang premyo.

Nabahagian rin ng Bulaga ang apat na kalapit-bahay nito na sina Tatay Marco, Nanay Elsie, Kuya Eric at isa pa. Binigyan ang bawat isa ng noche-buena package basket na punung-puno ng grocery items.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply