Nagkakanlong ng informal settlers binalaan

BINALAAN ng Quezon City government ang mga barangay officials laban sa sa pagpayag sa informal settlers para gumawa ng bagong barung-barong sa kanilang hurisdikyon partikular sa mga lugar na may waterways o danger zones.

“We will not hesitate to prosecute local officials who fail to curtail the proliferation and further increase of informal settlements in their respective areas,” ani Mayor Herbert Bautista.

Sinabi ni Mayor Bautista na ang pagtatayo ng barung-barong sa waterways at sa riverbanks ay may kontribusyon sa pagbaha at kontaminasyon sa tubig kaya nalalagay sa peligro ang buhay ng libu-ibong katao.

“We have been given the teeth to discipline, suspend and remove such   officials by the Department of Interior and Local Government under Memorandum circular MC-2011-017.”

Dahil dito naikasa na ng city government sa pamamagitan ng pagpondo ng pro-poor housing communities para doon mamahay ang mga mahihirap.

Ang koleksyon mula sa two tax measures ay tinatayang aabot sa P300 milyon kada taon na mapupunta naman sa special fund para sa kabahayan. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply