Naglabasang mug shots ni GMA peke

PEKE ang “mug shots” ni dating Pangulo at ngayon ay Pamapanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na lumabas sa publiko.

Ito ang binigyang diin ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte bilang pagsuporta sa naunang pahayag ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo matapos nitong makausap ang pamunuan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)

“Secretary Robredo has spoken to the CIDG kasi sila po ‘yung may custody eh, so sila po ang makakapagsabi kung ‘yung lumabas pwede po nilang i-compare,” ani Valte.

Malabo aniyang sabihin ng Southern Police District (SPD) na authenticated ang mga larawan ni Ginang Arroyo.

“Hindi po SPD ang may custody. The SPD was the one who was present when the shots were being taken but ‘yung actual photos po are in the custody of the CIDG,” diing pahayag nito.

Pinalagan naman ni Valte ang pagsang-ayon din ng clerk of court na authenticated ang mga larawan ng dating lider.

“That will have to be settled. That will really have to be settled but as far as we have been advised from the CIDG is hindi po ‘yun ‘yung parehong litrato.” wika ni Valte.

Hindi naman masabi ni Valte kung produkto ng Photoshop ang mug shots ni dating Pangulong Arroyo.

“I cannot say kasi, one, I have not seen the originals. I’ve seen the ones that are published. I have not seen the originals so hindi ko po alam kung ano ‘yung nagiging basehan ‘nung comparison. Hindi ko po alam kung mayroon pong dinoktor, kung ano po ‘yung nakalagay doon sa original,” ani Usec. Valte.

Samantala, kumbinsido si Valte na malabong may makalusot na mug shots ng dating Pangulong Arroyo dahil sa mahigpit na instructions ng Philippine National Police (PNP) para rito. Kris Jose

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply