Nagnakaw sa bakeshop ni Cong. Treñas nahuli na

NAHULI na ng mga kawani ng Iloilo City PNP ang magnanakaw na hinihinalang pumasok sa bakeshop ni Iloilo City Congressman Jerry Treñas.

Naaresto ng pulisya si Jonathan Nadayag, 27, residente ng Rizal Estazuela sa naturang lungsod, dahil naaktuhan din itong nagnanakaw ng pera sa BBR beach resort.

Positibong namang itinuro ng pinagbentahan ng suspek sa laptop na nakuha sa bakeshop ng kongresista.

Ayon din sa pulisya, si Nadayag ay miyembro ng Mark Ugdang robbery group na nakabase sa Metro Manila.

Maliban sa kinakaharap ng suspek na pagnanakaw, mayroon din umano itong record ng vagrancy, malicious mischief at alarm and scandal.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply