Nagnakaw sa talent manager ni ‘Congratulation’ tiklo

HULI sa ikinasang follow-up operation ang lalaking nanloob sa talent manager nina Regine Tolentino at April Gustillo a.k.a Congratulation ng “Wil Time, Big Time” ng TV5 sa Quezon City Huwebes ng umaga.

Hindi na nakapalag pa ang suspek na si Marlon Custodia, 21-anyos nang paligiran ng mga pulis ang bahay nito sa 21 Road 19 Barangay Pagasa, Quezon City dakong alas-7:30 ng umaga.

Ayon sa complainant na si Eliza Timbol, 34-anyos ng Road 1 Barangay Pagasa, nakita niya mismong si Custodia ang nanloob sa kanyang bahay at tumangay sa kanyang laptop na nagkakahalaga ng P11,000, wallet na may laman na P400 at maging ang P300 na nakapatong sa kanyang mesa.

Sa takot na baka saksakin ay nagtulug-tulagan na lamang si Timbol at hinayaang makulimbat ni Custodia ang kanyang laptop at pera.

Nang makaalis si Custodia, dumulog agad si Timbol sa Quezon City Police District station 2 upang ireklamo ng pagnanakaw ang suspek.

Ikinasa naman agad ang isang follow-up operation at nasakote ang suspek na itinanggi ang akusasyon laban sa kanya.

Ngunit nabuking ito ng makita ng pulisya ang ninakaw na laptop at maging ang pitaka ni Timbol sa bahay ng suspek.

Si Timbol ang talent manager ng aktres na si Regine Tolentino at ni Congratulation, na dating “Wil Time, Big Time” dancer ni Willie Revillame sa TV5.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply