Nagpasabog sa pension house sa Zambo tiklo

NAARESTO na ng mga tauhan ng Philippine National Police ang responsable sa naganap na pagpapasabog ng bomba sa isang pension house sa Zamboanga na kumitil sa buhay ng tatlong katao at ikinasugat ng 28 iba pa, kanina.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., sa pamamagitan ng Anti-Terrorist Council led and supervised operation nadakip ng awtoridad si Hussien Amajad Ahaddin, isang Abu Sayyaf Urban Terorist Group member at pangunahing suspek sa Atillano Pension House bombing.

Kinumpirma ni Directorate for Integrated Police Operation (DIPO) Western Mindanao Director Felicisimo Khu ang pagkakadakip sa suspected bomber bandang 8:00 ng gabi sa Purok 4, Muti, Zamboanga City.

Nabatid pa na si Ahaddin din ang itinuturong sangkot sa madugong Shop-O-Rama bombing noong taONG 2001 na kumitil ng 11 katao.

Maalala na sa naturang pension house bombing ay tatlo katao ang napatay, habang 28 naman ang sugatan sa pagsabog noong Linggo ng gabi sa Atilano pension house, Brgy. Canelar, Zamboanga.

Una na ring kinumpirma ni Zamboanga City Mayor Celso Lobregat na hindi ordinaryong bomba ang ginamit ng mga suspek sa krimen.

Samantala, dahil sa sunod-sunod na pagpapasabog na nangyari sa ilang mga lugar at gusali sa Zamboanga, nanawagan ngayon ang sektor ng mga negosyante sa awtoridad na bigyan ng sapat na seguridad ang mga negosyante partikular ang mga gusali tulad ng hotel at mga pension house na target ng mga masasamang loob.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply