Nagutom sa isla…

UNANG nagbabu sa Survivor si Alyssa Alano kasama si Aifah Medina.

Ang una naming itinanong kay Alyssa ay kung ano ang una niyang ginawa pagkagaling sa isla?

“Siyempre, kumain!”

Ang una niyang kinain…

“Marami! Kumain ako ng steak, kumain ako ng lechon, kumain ako ng favorite kong adobo.

Bukod sa kumain…

“Tsaka mag-scrub! Di ba? Kasi siyempre libagin ka na run dahil sa hindi mo pagligo.”

Ang hindi niya makakalimutang experience sa island…

“Siyempre magutom,” at tumawa si Alyssa. Ang hirap palang magutom! Kumakalam na yung sikmura mo. Lalo na yung mauhaw, kasi ako yung taong matubig. Uhawin ako tsaka dun kasi sobrang limited lang yung tubig, tapos minsan yung tubig makikita mo marumi so titipirin mo talaga yung tubig.”

Ang pinakamaganda niyang experience sa isla?

“Naku ang pinakamaganda kong experience, naging matapang lalo! Siyempre nadagdagan yung confidence ko. Pangalawa ang dami kong naging kaibigan. Iyon yung pinakamagan- dang nangyari sa akin sa isla.”

Sino ang maituturing niyang pinakamahigpit niyang kalaban sa Survivor?

“Siguro, Volcanoes [Philippine Volcanoes members Arnold Aninion and John Odulio]. Kasi ang lalakas ng katawan, di ba?

Pangalawa sa nakikita ko sa kanila, parang madiskarte sila, magaling maglaro.”

Hindi ba siya nakaramdam na lugi sila ni Aifah, na sila ay parehong babae, (bukod pa sa ibang tandems na parehong babae rin tulad nina Maria Isabel Lopez at Mara Yokohama, Jackie Forster and Angelicopter) kumpara sa ibang castaways na parehong lalaki tulad nga ng Volcanoes at sina Arthur Solinap at Carlo Gonzalez?

“Ah hindi! Di ba… kasi naalala mo ba yung Season 2 kung sino nanalo? Di ba babae, tama ba?

“So sa tingin ko hindi dapat katakutan, wala siguro dapat katakutan sa mga lalaki kasi kung ano ang kaya ng lalaki, kaya rin ng babae.

“Puwera na lang kung pabubuhatin ka ng batong malalaki so siguro yun, kahinaan ng babae. Bukod dun, wala akong nakikitang dapat katakutan sa lalaki.”

Ang iba pang castaways ay sina KC Montero at Geneva Cruz; Ellen Adarna at Filo Cucueco; Chuckie Dreyfus at Isabel Granada; Maey Bautista at Betong Sumaya and Stef Prescott and Gino dela Peña.

Hosted by Richard Gutierrez, napapanood ang Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown sa GMA Telebabad Block.

-0o0-

NAITANONG kay Manotoc nu’ng grand presscon ng ‘The Road,’ since manager niya si Annabelle Rama, ano ang reaksyon niya sa isyu sa pagitan nina Annabelle at Nadia Montenegro?

“You know I worry about her kasi you know people … may threshold yan, e. Kahit sabihin mong you know, it’s okay na may controversy ganyan, parang may threshold yan, e.

“It takes a toll e, it takes a toll in a person, e. Parang sana tumigil na muna… magpahinga na muna si Tita Annabelle sa mga controversies na dumadating sa kanya you know,” ang natatawang pahayag ni TJ.

“Ano lang, it’s sad lang, it’s unfortunate na nagkakaganyan yung… na may alitan or you know, sila ni Nadia.”

Si TJ ba, naaway na ni Annabelle?

“Hindi pa.”

Napagalitan?

“Alam mo pag nagagalit yan, hindi naman yung nai-imagine ninyo or nakikita ninyo sa TV na malakas ang boses or sumisigaw.

“Pag nag-uusap kami hindi naman siya… pag may opinyon, nag-uusap… alam mo yun? Yung open siya sa mga sinasabi ko, iniintindi ko rin yung mga sinasabi niya. So hindi umaabot sa ganun na, I mean yung image niya na nakikita ninyo.

“Ibang-iba siya off-cam, para sa akin, ha? Hindi pa naman umaabot sa ganun.”

Aminado si TJ na he is in a happy relationship right now.

May development na ba ang kanilang wedding plans ng kanyang girlfriend?

“Plans-plans pa lang.”

May balitang next year ay magpapakasal na ang dalawa; hindi ba na-advance ang date ng kanilang plano?

“Hindi pa naman, hindi pa naman.”

Baka naman magaling lang siyang magtago; baka kasal na sila?

“Hindi pa naman, pinag-uusapan pa lang,” ang tumatawang sinabi ni TJ.

Anyway sa Nov 30 na ang showing ng The Road. Bukod kay TJ, bida sa The Road sina Barbie Forteza, Carmina Villarroel, Rhian Ramos, Louise delos Reyes, Alden Richards, Lexie Fernandez, Derrick Monasterio at Marvin Agustin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply