NAIA idedebelop sa susunod na taon

HINDI dadaanin ni Transportation Secretary Mar Roxas sa pintura at palamuti ang pagsasaayos ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Roxas, gagastusan ng kanyang ahensya ang mga “nagagamit” na katangian ng isang airport.

Sa halip na pinturahan lang umano ang harap at loob ng paliparan ay aayusin ng ahensya ang air conditioning, water system at iba pang pasilidad nito..

Dahil dito, posibleng makita at maramdaman ng taumbayan ang improvement ng paliparan sa susunod na taon.

Pero nilinaw naman ni Roxas na hindi pa makukumpleto ang pag-aayos sa NAIA sa 2012.

Nahiya naman ang Malacañang sa ulat na ikalima ang NAIA na pinakapangit na paliparan sa mundo.

Base sa report ng mga online reader sa travel site na “The Guide to Sleeping in Airports,” ang NAIA 1 ang sumunod sa mga tinaguriang worst airport gaya ng Paris Charles de Gaulle, Paris Beauvais, Moscow Shere­Metyevo at Los Angeles Airport.

Aminado naman si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na marami pang dapat na ayusin sa pasilidad at pamamalakad sa NAIA kasunod ng naturang ulat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply