Naiilang pa sa gimikerong leading man!

HINDI itinatanggi ni Alex Gonzaga, nagkakailangan daw sila ni Kean Cipriano na leading man niya sa TV remake ng pelikula nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noon na “P.S. I Love You” na magsisimula nang umere sa TV5 ngayong November 21.

“Ngayon, parang bago pa lang kaming magkakilala ulit,” sabi nga ng isa sa hosts ng “Juicy Express.” “Siguro dahil nagkaroon din kami ng konting misunderstanding ni Kean.

“Tapos, siguro parang ngayon, e… starting all over kami ngayon ni Kean ng friendship namin. Kaya… ayon.”

Ayaw naman nang idetalye pa ni Alex kung ano ‘yong misunderstanding na namagitan sa kanila ni Kean dati.

“Hindi naman ‘yon gano’n kalalim. Parang misunderstanding lang ng dalawang magkaibigan. Tapos, hindi na kami nakapag-usap. Hindi na namin napag-usapan. Hindi na namin na-settle ‘yong issue.

“Pero no’ng nagkita ulit kami, parang wala nang nangyari. So… parang nakalimutan na namin pareho. Kahit hindi na namin iyon napag-usapan.”

Wala ba talagang ligawan na nangyari sa kanila rati?

“Hindi ko alam!” napabungisngis ulit si Alex. “Siguro parang… naging close kami dahil sa trabaho. Tapos ‘yon… nagkaroon lang ng konting misunderstanding.

“Pero ngayon, at least kilala na namin ang isa’t isa. Alam na namin ‘yong hindi namin alam tungkol sa isa’t isa dati.
Kasi siyempre nagkakapaan pa kami dati no’ng una kaming magkasama sa trabaho.

“Ngayon at least alam ko na… ah, ayaw ni Kean ng ganito. Tapos siya rin, alam niya… ah, ayaw ni Alex nang ganito.

“So feeling ko mas okey ‘yong ganito na… nag-start kami (sa kanilang balik-tambalan) na parang hindi pa rin kami gano’n ka-close.”

Matuloy na kaya this time ‘yong hinihinalang naudlot na pagkakamabutihan na sana nila rati?

“Ayaw ni Mommy Pinty!” patiling biro ni Alex bago napabungisngis.

Bawal pa rin siyang makipag-boyfriend?

“Hindi naman bawal.

“Pero as of now po kasi… ano… iba kasi ‘yong ano namin ni Kean. Iba talaga ‘yong likes ko sa likes ni Kean. Hindi pa kaming masyadong nagkaka-eksena together.”

Parang hindi pa siya nagka-boyfriend?

“Hindi. Nagkaroon po ako ng ano… may nanligaw po sa akin na non-showbiz. ‘Yon lang. Isa lang naman po ang nanligaw sa akin ever!” napabungisngis ulit na pagtatapat niya.

Wala siyang mga manliligaw ngayon?

“Sa showbiz… wala.

“Non-showbiz… hindi ko alam kung nanliligaw ba o hindi.”

For sure, may fans sila ni Kean na ang wish ay mauwi rin sa totohanan ang pagiging magkatambal nila. Ano ang puwede niyang masabi para sa mga ito?

“Hindi natin masasabi talaga sa ngayon. Kasi… ano talaga kami ni Kean sa ngayon, as of now… we’re starting ulit sa ngayon.

“Kasi nga, ‘yong mga naging misunderstanding namin dati, hindi na rin namin napag-usapan. So ngayon siguro, feeling ko nagkakapaan pa kami.

“Pero at least, in good terms kami ni Kean.

“At saka feeling ko… alam mo ‘yong isang taong kapag masyado mo nang kilala, parang ang hirap umarte na kasama siya. Kasi parang… ay, alam na naman niya na ganito ako… ganyan-ganyan.

“Ngayon na parang nagkakapaan kami, na parang hindi pa kami gano’n ka-close at nagkakahiyaan pa rin kami ngayon, at least parang… mas naaayos namin ‘yong trabaho.

“Kasi parang kapag masyado kang familiar na sa isang tao, may tendency na baka mag-joke ka habang nagtatrabaho kayo.

“At least ‘yong professionalism, ando’n talaga.”

Kung gano’n na nagkakahiyaan pa sila at nangangapa sa isa’t isa, paano ‘yong sweet moments nila like… kissing scene halimbawa?

“Sa pagkakaalam ko, wala po kaming kissing scene.”

Ganyan?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply