Naiwang bagahe sa NAIA inakalang may bomba

NAGKATENSYON ang mga tao sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 kaninang umaga dahil sa naiwang pushcart na may kargang kahon at bag.

Pinatawag naman agad ang bomb experts mula sa Aviation Security Special Operation Unit upang i-check ang mga inabaandonang kahon at bag sa pushcart.

Nabatid na dalawang kahon, isang travelling bag at isang bag na may yellow string ang naiwan sa pushcart na sinasabing may indikasyon na ang mga bagaheng ito ay pag-aari ng isang pasahero na nagmula sa Marawi City.

Wala namang nakitang bomba o anumang pampasabog sa loob ng nasabing mga bagahe.

Samantala, nahirapan namang kontakin ng awtoridad ang nagmamay-ari ng mga bagahe sa kanyang contact number na nakalagay sa mga tags. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply