Nakababatang utol, mastermind sa pagpatay kay Ram

TINIYAK ng Parañaque Police na kamag-anak ni Ram Revilla ang itinuturong mastermind sa pagpaslang dito noong Sabado (Oktubre 29) sa bahay nito sa BF Homes, Parañaque City.

Batay sa pahayag ni Parañaque Police Chief Senior Superintendent Billy Beltran na isa sa mga suspek na nahuli nila kagabi (Oktubre 31) ay ang nakababatang kapatid ni Ram na si Ramon Joseph Bautista, 22-anyos.

Sa isinasagawang imbestigasyon, may nakapagturo kay Bautista na sangkot sa naganap na krimen kaya inaresto nila ito kagabi at ngayo’y nasa kustodiya na ng Parañaque Police.

Tumanggi naman ang mga awtoridad na magbigay ng iba pang impormasyonat detalye sa kanilang imbestigasyon.

Ayon kay Beltran, ihaharap sa Prosecutor’s Office ang tatlong naarestong suspek kagabi para sa inquest proceedings.

Matatandaang naaresto sina Bautista at dalawang iba pang kinilalang sina Michael at Francis kaugnay sa pagpatay sa anak ni dating Senador Ramon Revilla. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply