Nakagugutom na ang presyo ng mga bilihin

SINUSUBUKAN nating kumain sa mga lugar na alam ng lahat na mura ang mga pagkain.

Por eksampol sa mga paligid ng mga iskul na pangkolehiyo, gaya ng Polytechnic University of the Philippines.

Nagugulat tayo, Suki. Napakamamahal na pala ang pagkain maging sa mga lugar na ito.

Kakapurit ang P25 na karne, maging ang P15 na gulay. Ang dating P5 na kanin ay P7-P8 na rin.

Kung dati-rati ay mabubusog ka sa halagang P20-P25 na kanin at gulay, ngayon, kailangang punuan mo ito ng isang pitsel ng tubig para magkalaman ang iyong sikmura.

Parang istayl sachet na ang pagkain.

May mga nagmamantine ng mababang presyo, ngunit tsinatsaptsap naman sa napakaliliit na piraso ang mga karne, gulay at isda.

oOo

Sa palengke, nakikita ang dahilan ng pagmamahal ng pagkain.

Parang kamakailan lang ang presyong P110 kada kilo ng manok ngunit ngayon ay nasa P130 na.

Ang galunggong na dating P60-P80 ay nasa P100-P130 na.

Ang dating P60-P80 na malalaking tilapia ay nasa P100-P120 na kada kilo.

Ang kangkong, saluyot at okra na napakalalaki ang bungkos sa halagang P20-P30 noon ay kalahati na lamang ng bungkos ngunit sa pareho pa ring presyo.

Kung may bayong kang dalawa para sa P1,000 halga ng bilihin noon, hindi na ngayon.

oOo

Nasa langis, lansangan at highway pala ang ugat ng problema.

Nagmamahal ang mga paninda dahil sa nagdoble-triple na toll na may patong na EVAT, sa mahal na langis at sa magkakasunod na mga kotong cop at traffic enforcer sa bawat bayang dinaraanan ng mga negosyante. Hu-hu-hu!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply