Nakahahabag si KC Concepcion

MARAHIL ang sikreto ni KC para makalimot ay punuin ang kaniyang schedule sa mga darating pang mga araw. Sa paraang ito, unti-unti nga naman nitong makalilimutan ang nangyari sa kanila ni Piolo, although hindi pa naman in-admit in public na nagkanya-kanya na sila ng landas. Anyway, action speaks louder than words ‘ika nga.

Imagine, before KC’s US Kapamilya tour, um-attend ito ng kasal ng kaibigan from Spain. After that, fly ito sa US for the Clinton event kung saan siya’y invited mismo ng dating pangulong Clinton para maging bahagi ng 2-day birthday charity nito sa US.

After Clinton affair, segue sila with Yeng sa US Tour at lumipad papuntang Indonesia para sa SEA Games.

Itong sa Japan ay may konting conflict dahil sa updates ng Star Magic.

Naghihintay pa ng permiso ang Star Magic mula sa Alta (ang bagong show ni KC) if papayagan syang umalis para sa rare invitation na ito (Japan). Ayon nga sa tweet ni KC kamakailan lang, “super pasalamat ako sa mga blessings at sa darating pa next year.”

***

Ayon pa sa aming source, the “pain” that KC got sa nangyari sa kanila ni Piolo, might pave the way para makilala ang anak ni Mega to be a better actress than before.

Sa ginanap na trade launch ng ABS na ginanap kamakailan lamang, most applauded among the shows ang “Alta” lalo na ang matatalim na mga dialogue ng mga main cast like KC who’s portraying Alexa at nagbitaw ng linyang, “You Can Never buy class! And breeding is never for sale.”

Dito nagpalakpakan ang mga tao. Tuloy na-excite na silang panoorin ang Alta na kasama pa naman si Gretchen Barretto na kapapanalo lamang as Best Actress in a Single Performance sa katatapos na Star Awards.

***

NGAYON lang nangyari na tatlong Corporate-Managers ng ABS-CBN ang punong-abala at  nagtutulung-tulong, naghahanda para sa Da Best ang Pasko ng Pilipino na inihanda para sa mga press people.

Sa pahayag na galing kay sir Kane Choa, “Sa darating na Kapamilya Media Party sa December 2(Friday), sa Dolphy Theatre, requirement po ang dumating na suot ang Da Best mong sumbrero para sa ating Hat Party at manalo ng premyo.

“Makisaya sa pa-contest tulad ng Tanging Hinga Mo, Mediang Genius, at Hanapin din si Elisa. Rarampa rin sa gabing yon ang 15 na pinakamagagandang mga kababaihan mula sa iba’t ibang print at online publications, ang My Girl 2011. Manalo kaya ang pambato ng diyaryo o website mo sa patimpalak at magwagi ng 20k? Simulan ng maganda ang parating na taon at ibahagi ang inyong 2012 Resolutions! Sagutin lang ang tanong na,”Ano ang sisimulan mong pagbabago para sa Inang Bayan ngayong 2012? At i-email sa <akoangsimula2012@gmail.com> Hindi dapat lalampas sa 150 words ang inyong entry.

Deadline po ay November 28, 5pm.

“Dumating ng 5pm para sa isang Thanksgiving Mass sa ABS-CBN Chapel near Dolphy Theatre bago ang party. Excited na po kaming makasama kayo sa salu-salong ito!” pahayag ni Sir Kane na katuwang sina Ms. Kathy Solis at Aaron Domingo(both Corporate Managers ) para maging memorable ang Pasko ng media.

***

NAKATUTUWA naman na ang tinitingnang anggulo sa mukha ng baby girl ni Andi Eigenmann ay kung kahawig ba ito sa features ng mukha ng sinasabing ama nito na si Albie Casiño. Nakatutuwa namang kahit kasisilang pa lang ng baby ay hinahanapan na ito ng isyu.

Gaya ng international singing idol na si Justin Beiber na umakong magpapa-DNA test para hamunin ang nanay kung siya nga ang nakabuntis sa nasabing fans daw ng singing sensation, ganito rin ang stand ng pamilya ni Albie.

Nagtataka nga kami kung bakit tila ayaw ni Jaclyn Jose na ipa-DNA test ang bata? Marahil ay gusto nitong manahimik na lang ang buhay ng anak sa piling ng baby nito, o mas may alam si Jaclyn sa tatay ng kaniyang apo?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply