Nakamamatay ang inggit at selos

NAPAKADELIKADO at talagang nakamamatay ang selos sa buhay ng isang tao kapag alipin nito. Ito ang buod o tema ng naganap na madugong pagpaslang sa paboritong anak ni dating Senador at aktor Ramon Revilla, Sr., ama ng ngayon ay kinikilalang pambatong senador ng bansa na si Ramon “Bong” Revilla ,Jr., na dulot ng nakarating na impormasyon sa intelligence unit ng Paranaque police.

Bukod sa nahuling tatlo pang suspek sa krimen na kasalukuyang nasa mga kamay na ni police chief PSSupt Billy Beltran, isinangkot na isa pang half-brother-in-law ni Bacoor Congresswoman Lani Mercado-Revilla ang mismo umanong kumitil sa buhay ng kapatid na si Ram sa pamamagitan ng pagbaril nito sa ulo ng kapatid na biktima at umano’y mayroong silencer na ginamit sa sandata nito kaya walang nakarinig na mayroong pumutok na baril sa paligid ng Brgy. B.F Homes.

Ayon sa mga mapagkakatiwalaang sources na nakalap ng sumulat mula dito sa lungsod kung saan naganap ang pagpatay kay Ram, diumano’y kapatid na si Joseph, nasa hustong gulang, ang tunay na salarin at nagawa umano ang kahindik-hindik na pagpatay sa kanyang tunay na kadugo bunga ng matagal na nitong selos sa biktima.

May isang malapit na informant ang nagbulong sa amin na huwag ng banggitin ang pangalan na madalas mag-away at magtalo sina Ram at Joseph lalo pa sa tuwing uuwi si Ram ng gabing-gabi o madaling araw tulad ng sitwasyon nang mapatay ito sa sarili nilang bahay sa B.F. Homes.

Malaki umano ang tinimping selos o inggit nito sa kapatid dahilan sa paborito nga ng matandang Revilla si Ram at bawa’t hilingin nito sa dating aktor/senador ay kagyat na ipinagkakaloob dito ng King of Agimat movies.

Samantala, isa pa ring napakalaking palaisipan sa pulisya ang naganap ding pagpaslang sa Tatay ng international sensation na si Charice Pempengco sa San Pedro, Laguna.

Mababatid na kamakailan lamang ay napaulat na mayroong batang-batang boyfriend ang madir ng sikat na singer.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply