Nakapangingilabot ang ‘Spooky Nights’

MARAMING staff ng Spooky Nights ang tuwang-tuwa kay Jennylyn Mercado dahil wala silang kaproble-problema sa actress sa set ng “Spooky Nights.” Walang angal kung marumihans sa prosthetics. Tipong laging nakangiti lagi ang magaling na young actress na nagsimula bilang winner ng kauna-unahang StarStruck talent search ng GMA-7. Tuloy, maraming nagsasabi na punung-puno ng inspiration si Jen dahil in love talaga kay Luis Manzano.

Ang “Spooky Nights Presents: Kaibigan” ay mapapanood tuwing Saturday ng gabi. Tungkol sa magkaibigang Bless (Jennylyn Mercado) at April (Ehra Madrigal) na nagtatrabaho sa isang publishing house at magkasama sa iisang bahay.

Kahit na matalik na magkaibigan, maraming pinagkaiba ang dalawa tulad na lamang ng kanilang pananamit. Sosyalerang tingnan si April at mukha namang nerd si Bless. Masasabi ring may insecurities si Bless sa kaibigan dahil boyfriend nito si Efren (Mark Herras) na matagal na niyang gusto at sa palagay niya ay mas maswerte rin ito sa maraming bagay.

Kasabay ng promotion ni Bless bilang editor-in-chief ng publishing house ni Mr. Agregado (Antonio Aquitania), mapapansin niya at ng mga nakakikilala kay April na matagal na itong hindi umuuwi.

Paglipas pa ng mga araw, sunud-sunod nang magaganap ang mga misteryoso at nakatatakot na pangyayari. Isa na roon ay ang panaginip ni Bless kung saan binigyan siya ni April ng kwintas na kusang sumasakal sa kanya. Paggising niya ay wala na ito sa kanyang leeg pero nag-iwan ito ng marka.

Maging si Aling Emma (Dexter Doria), Mr. Agregado at ang mga tao sa planta ng publishing house ay nakakaranas din ng mga “pagpaparamdam” na ito. Malilinawan lamang sila nang mabalitaan nilang napatay si April at inilibing sa Barangay Luntian.

Gulat na gulat ang lahat sa nangyari kay April at nasabi ni Bless na sana ay huwag patahimikin ng una ang may kagagawan sa kanyang pagkamatay.

Sino nga kaya ang pumatay kay April? At bakit pati si Bless ay nadadamay sa kanyang pagpaparamdam? May lihim kayang itinatago ang magkaibigan sa isa’t isa?

Kasama rin sina Tart at Renerich Ocon, ang Spooky Nights Presents: Kaibigan ay likha nina Diretor Uro Q. Dela Cruz at Headwriter Senedy Que.

***

LALONG hahanga si JC Tiuseco kay Sarah Lahbati bilang si Kara sa soap na “Kokak,” kasi sa pagbabagong anyo ni Kara mula sa pagiging palaka at magiging tao, makikita ni JC ang kaseksihan ng katawan ni Sarah.

Sa istorya, mababasa si Kara (Sarah Lahbati) habang nagtatrabaho sa restaurant at magiging palaka! Buti na lamang at nakapagtago siya bago pa siya tuluyang magpalit-anyo.

Kaya lang, mapagkakamalan siya ng kusinero na kasama sa mga lulutuing palaka. Buti na lang makatatakas siya at makapupunta sa isang kwarto kung saan masisinagan siya ng araw. Babalik siya sa pagiging tao ngunit maabutan siyang nakahubad ni Roco (JC Tiuseco) na papasok naman sa silid na kinaroroonan niya.

Samantala, magpo-propose na si Carl (TJ Trinidad) sa girlfriend na si Elizabeth (Vaness del Moral) ngunit hindi papayag na pakasal ang dalaga. Katunayan, makikipaghiwalay pa ito sa kanya dahil masyado pa raw silang bata. Uuwi itong malungkot kahit may party pang ipinahanda ang ina niyang si Veronica (Deborah Sun).

Sa naturang party, magtatagpo na sa wakas ang landas nina Kara at Carl. Mamukhaan kaya ni Carl ang mala-diyosang dalaga na tumulong sa kanya noon sa gubat?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply