Nakapikit?

IKALAWANG taon na mula nang mangyari ang karumal-dumal na Maguindanao massacre. Ilang mga komentaryo na at ilang mga debate na ang ginawa.

Nakapag-produce na nga tayo ng pelikula tungkol sa kasong ito, ang Deadline: the reign of impunity. Naipalabas na sa mga pangunahing sinehan sa buong bansa. Katunayan ay ipalalabas ito sa Europa sa susunod na buwan. Ang tagal umusad ng kaso. Hindi ako magtataka kung baka medyo pinanghihinaan na ng loob ang mga kaanak ng biktima.

Ngayong araw na ito ang ika-dalawang taon ng paggunita sa nangyaring massacre ng may 57 katao sa Maguindanao na ang karamihan ay myembro ng media. Isang sikat na pahayagan ang gumawa ng kampanya para sa pag-alala sa mga pinaslang sa pamamagitan ng paglalagay ng litrato ng kanilang mga kolumnista sa dyaryo na nakapikit lahat. Bakit nakapikit sa
palagay ninyo?

Ang sabi ng Commission on Human Rights napakarami raw kasing akusado kaya mabagal kumilos ang kaso. Liban pa kasi sa mga Ampatuan ay may mga  alalay pa nila at kung sino-sino. Naniniwala ako sa CHR. Napakarami pating mga testigo. Kung hindi ako nagkakamali ay ang panig ng prosecution pa lang ang nakapagpepresenta sa korte, wala pa ang depensa.

Pero pwede naman na mapabilis ang pag-usad ng kaso. Isa sa pwedeng gawin ay iwasan ang ‘dilatory tactics’ o yung mga paraan para ma-delay pa ang kaso. Huwag payagan ng hukom ang ganitong mga taktika, mula sa kahit kaninong panig. May mga ganitong paraan kasi sa isang kaso na ginagawa ng mga abogado para sa kung anong rason na ang tanging dahilan nila ay baka mabigyan pa sila ng korte ng mas mahabang panahon para sa kanilang pagsalang sa hukuman.

Huwag na lang payagan ng judge ang mga ganito at palagan ng magkabilang panig kung sino man ang nagiging dahilan ng dagdag pang pagkaantala ng kaso. Pwede rin na dagdagan ang dates ng hearings at tanggihan na ang requests for postponement.

Higit sa  lahat, mahalaga ang mas maigting pang pagbabantay ng media. Huwag tayong bumitiw sa pagtutok, mahalaga na masubaybayan ang kasong ito at para magkaroon ng hustisya ang mga biktima.

Mag text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply