Nakatatakot na maniobra

NASAKSIHAN ni Juan ang maliwanag na maniobrahan sa hukuman nina Gloripie at PNoy sa katauhan ni Manang Leila de Lima.

Nanalo sina Gloripie sa Supreme Court pero natalo sila sa Regional Trial Court sa Pasay. At tulad nga ng alam ng lahat, arestado na si Gloripie.

Magkahiwalay at magkaiba na kaso ang nakasampa kina Mang Atong Corona at iba ang nakasampa sa RTC.

‘Yung kaso sa Korte Suprema ay ukol sa karapatan nina Gloripie na makabiyahe sa labas ng repablik ni Juan.

Bubunuin naman ni Gloripie ang hiwalay na kaso ng pananabotahe sa halalan sa RTC. Tiyak na aabot siguro ito sa Korte Suprema.

Sakaling magkaroon ng conviction, magkaroon kaya ng Erap istayl dito? Wataymen, kung pinatawad agad noon ni Gloripie si Erap makaraan itong mapatunayan na guilty ng Sandiganbayan, patatawarin din kaya agad si Gloripie ni PNoy?

oOo

Pero may isa pang paglalabanan uli sina Gloripie at PNoy at De Lima.

Hindi kaya sablay ang pagsasampa ng kaso nina De Lima sa RTC? Aba, mataas na opisyal si Gloripie at hindi RTC ang may sakop dito kundi ang Sandiganbayan.

Kahit magpustahan pa tayo ng yagbols, maging ang labanang ito ay aakyat sa Korte Suprema.

Baka matalo na naman sina PNoy at De Lima. Baka magbubunga rin ito ng kawalan ng saysay ang warrant of arrest dahil dapat ang mag-isyu ay ang Sandiganbayan.

At paano kung hindi sasang-ayunan ng Sandiganbayan ang posisyon nina PNoy at De Lima? E ‘di tuloy na ulit ang biyahe ng mag-darling?

oOo

Sa totoo lang, nakatatakot ang nagaganap na ito dahil nakataya ang buhay at kalayaan dito.

Hindi na sina Gloripie ang naiisip natin. Paano kung si Juan ang magiging biktima ng ganitong sistema, huh?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply