Namamatay na lang ang mga may sakit

HABANG nag-aaway-away sina PNoy at Gloria ukol sa pulitika at kalusugan nila, alam ba ninyong ang daming namamatay dahil sa kawalan nila ng panggastos sa mga ospital, doktor at gamot?

Alam natin ito dahil tayo mismo ang isa sa mga nilalapitan ng mga labis na kinakapos sa buhay.

Nito ngang dalawang linggo lamang, dalawa sa mga namatay ang kakilala natin.

Isa ang batang may sakit sa puso na namatay na lang dahil walang panggastos ang mga magulang nito para sa operasyon.

Naibenta na’t lahat ng mga magulang ang kanilang mga mumunting pundar at ari-arian at naipangutang na rin ang kanilang mga sahod at 13th month pay ngayong Kapaskuhan para sa pagpapagamot ng bata, namatay pa rin ito dahil wala ngang pampaopera.

Isa namang ina na inoperahan sa apdo na nababalot ng taba ang namatay dahil kinapos ang kanyang mister sa pagpapagamot.

Makaraang maoperahan, iniuwi na ni mister si misis at doon na namatay ito.

oOo

Heto, Suki, ang mga pumatid sa buhay ng bata at ina na namatay.

Una, wala talagang gaanong naitulong ang gobyerno sa kanila dahil walang kontrol ang gobyerno sa mga napakamamahal na gamot na benta mismo sa mga parmasya ng mga pablik ospital.

Ikalawa, kampon umano ni Satanas ang mga doktor na hindi mag-oopera nang hindi aabot sa P80,000 ang kanilang professional fee sa operasyon.

Ikatlo, napakababa ang sahod ng mga obrero, kahit pa sa pagawaan ng mga higanteng negosyante sa repablik ni Juan.

Ikaapat, nalululong ang mga pulitiko sa awayan sa agawan sa kapangyarihan at yaman ng pamahalaan at hindi na nila naasikaso ang milyon-milyong naghihirap.

Sey niyo, Suki?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply