Namumutiktik ang iligal sa R-4A

ILANG linggo na ang nakararaan ay idineklara ng pamunuan ng kapulisan ng Region 4-A na pinahinto na nila ang operasyon ng iligal na sugalan sa kanilang ‘area of responsibility’.

Para sa hindi nakaaalam, ang R4-A ay kinabibilangan ng Rizal, Cavite, Laguna, Batangas at Quezon.

Pinahinto raw ang vices sa rehiyon na ito ni C/Supt. Gil Mene-ses matapos siyang sitahin ni Director General Nicanor Bartolome.

At ayon sa police insider natin, sinita ni Gen. Bartolome si Gen. Meneses dahil ang PNP big boss ay nasasaktan sa mga birada ng media.

Pero ang pagpapahinto ng sugalan ay pansamantala lang, dahil ilang araw lang daw ay nag-operate na naman ang mga sugalan.

Sa madali’t sabi, ginagago ng liderato ng PNP-R4-A si Gen. Bartolome.

Kung talagang nahinto na ang sugalan sa nasabing rehiyon, bakit nag-ooperate pa ang STL-con jueteng ni Edwin Ulaso sa Sta. Rosa; Dante Alvarez sa Calamba, Cabuyao at San Pedro at Leo sa Biñan, Laguna?

Ang sakla ni Wik sa Los Baños at video games (video kareta at fruit game) ni Decena sa Binan, Dante Amante sa San Pablo City, Umbay sa Sta. Cruz at Tita sa Calamba, Laguna.

Sa Rizal, napakalakas ang vk at fg ni Dionie sa Taytay, Ray sa Cainta, Tanu sa Cardona, Boy Sola sa Antipolo at ang tirembe ni Naska sa Antipolo pa rin.

Ang loteng bookies sa buong lalawigan ng Rizal ay nakopo rin ni Bong Sola.

Sa Cavite, Quezon at Batangas, aba’y lalo raw tumindi ang operasyon ng lahat ng uri ng sugalan.

Paano n’yo ipaliliwanag kay Gen. Bartolome na kayo riyan sa R4-A ay ‘di n’yo niloloko ang
PNP chief?

o0o

MAYOR SABILI, GISINGGG!

Sa Lipa city naman, inirereklamo ng mga residente rito ang nagkalat ding makina ng vk na dahilan daw ng malimit na kaguluhan.

Kasi raw, ang mga naglalaro rito – kung ‘di lasing ay naka-droga.

At ang sinisisi ng mga nagrereklamo sa Chokepoint ay walang iba kundi si Lipa City  Mayor Meynard Sabili at mga pulis ng nasabing lungsod.

Mantakin mo, batid daw ng alkalde ang malawakang operasyon ng vk sa kanyang lungsod, pero wala itong ginagawa para mahinto ang operasyon.

May pergalan din sa riverside na minamantine ng isang alyas Boy Life at maybahay na si Evelyn.

Lipa City, Batangas Mayor Meynard Sabili, aba, eh, gisingggggg.

Sa Brgy. Subic Ibaba, Agoncillo, inirereklamo rin ang isang pergalan.

Paging, Agoncillo Mayor Aglo Martinez!`

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply