Nananawagan na taasan ang ‘chalk allowance’ dumarami

PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga mambabatas na nananawagan upang maitaas ang chalk allowance ng mga pampublikong guro.

Pinakahuling sumuporta dito ay si Quezon City Rep. Winston Castelo sa pamamagitan ng inihaing House Resolution 1736 na naglalayong gawing P2,000 mula sa dating P700, ang taunang pondo para sa classroom supplies, na tinatanggap ng mga guro mula sa Department of Education (DepEd).

Hinihiling ni Castelo sa House committee on appropriations na makipag-uganayan sa DepEd upang madagdagan ang pondo nito para sa taong 2012 partikular na ang pondo para sa suplay ng chalk at iba pang gamit sa loob ng silid-aralan na ginagamit ng mga guro.

Sinabi ni Castelo, bawat guro ay mayroon lamang taunang badyet para sa chalk na nagkakahalaga ng P700 o P3.50 kada araw sa loob ng 203 school days.

“Hindi na makatotohanan ang ganitong badyet. Malaki na ang diperensiya ng presyo ng mga bilihin noon kumpara ngayon kahit na chalk lamang ito,” ani Castelo.

Dagdag pa ni Castelo na kaya siya nananawagan sa Kamara at sa DepEd na madagdagan ang pondo ng chalk allowance ay upang maipakita sa mga guro na naiintindihan ng pamahalaan ang kalagayan nila na madalas ay sariling pera na ang ipinambibili ng chalk upang may magamit sa loob ng paaralan.

Naunang isinumite ni Rep. Antonio Tinio (Party-list, ACT Teachers) ang House Bill 4134, na naglalayong gawing P2,000 ang dating P700 allowance ng mga pampublikong guro para makabili ng mga gamit sa silid-aralan gaya ng chalk..

“Sa araw-araw na mayroong klase, kailangan nila ng chalk at iba pang suplay tulad ng pambura, lapis, ballpen, kuwaderno, class records, Manila paper, cartolina, bond paper, art paper at iba pang gamit upang matugunan ang pang-araw-araw na gawain,” paliwanag ni Tinio.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply