P29-M CD burner, DVDs, sex toys winasak

WINASAK ngayon ang mga CD burner equipment, DVDs, sex toys at sex drugs na nagkakahalaga ng P29 milyon sa may Bonifacio Shrine, Ermita, Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, ang pagwasak sa mga nabanggit na items at equipment ay upang mapigil ang paggawa ng mga pirated DVD.

Sa pangunguna ng alkalde ay sinimulang wasakin sa pamamgitan ng shredding machine ang mga nakumpiskang item dakong 11:00 ng umaga.

Kasama ng alkalde si MPD OIC Director P/S Supt. Alex Guttierez, chief of staff at media bureau chief Ric de Guzman, P/Supt.James Afalla, station commander ng MPD-PS-3 sa Quiapo.

Ang operasyon ay bunga ng pagsusumikap ng mga awtoridad kasama na ang Optical Media Board (OMB) at MPD na  mawalis ang mga gumagawa at nagbebenta ng pirated DVDs.

Nanawagan din ang alkalde sa publiko na isumbong agad sa kanyang tanggapan ang mga impormasyon kung saan nagkukuta ang mga namimirata ng DVD upang kaagad na maaksyunan ng lokal na pamahalaan.

Naunang umaksiyon ang alkalde, matapos na taguriang sentro ng pamilihan ng pekeng produkto ang Quiapo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply