Nangholdap ng parak, tiklo

ARESTADO ang isang holdaper makaraang holdapin ang isang pulis na nag-sideline sa pagiging PUJ driver sa Mandaue City kaninang umaga.

Naging sideline na ni PO1 Maximo Moneva Jr., ng Mandaue City Police Station (MCPS) na magmaneho ng pampasaherong jeep kapag ito’y hindi naka-duty.

Minamaneho umano ni PO1 Moneva Jr. ang PUJ nang sumakay sa front seat ang suspek na kinilalang si Rexil Sacasan at tumabi sa kanya.

Ilan minuto lamang umano ang nakalilipas, inilabas ng suspek ang patalim at itinutok sa tagiliran ng nagmamanehong pulis at sapilitang kinuha ang kanyang kinita sa pamamasada.

Nanlaban ang pulis sa suspek at nahulog sila sa sasakyan kaya nakita ito ng mga tao sa kalsada na siyang tumawag ng pulis.

Nadakip  ang suspek at noon lang nabatid na isang pulis ang kaniyang tinangkang biktimahin.

Ang suspek ay nakapiit ngayon sa detention cell ng Mandaue Police Station at sasampahan ng kasong robbery holdap. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply