Nanghuli ng isda sa irigasyon, tinuklaw ng ahas, utas

TINUKLAW ng tubig-ahas ang isang lalaking nanghuhuli ng isda sa irigasyon sa Ilocos Norte kaninang umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital sanhi ng lason mula sa sakmal ng ahas sa kanang kamay ang biktimang si Wilmer Agonoy, 38-anyos, residente ng Barangay 20, Bacarra.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa isang irrigation canal sa Barangay Pulangi, Bacarra.

Bago ito, nabatid na nanghuhuli ng isda sa nasabing irrigation canal ang biktima para sa kanilang tanghalian pero habang sinusukol nito sa kanyang kamay ang nakitang isda, tinuklaw ito ng isang tubig-ahas.

Ayon sa mga doktor, mabilis na kumalat ang kamandag ng ahas na tumuklaw sa biktima kaya hindi na ito umabot ng buhay sa ospital.

Ayon aman kay Barangay Pulangi Chairman Rene Agonoy, pinsan ng biktima, maliban kay Agonoy ay may iba pang residenteng nakagat din ng ahas habang nanghuhuli ng isda sa irrigation canal pero hindi naman namatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply