Nangongotong mas marami kaysa mga Krismas layt

DISYEMBRE 1 na bukas.

Hindi na mapipigilan pa ang pagdating ng Kapaskuhan.

Pero alam ba ninyo ang nagaganap?

Ngayon ay hindi na katulad noon na Setyembre pa lang ay marami na ang nagpapa-ilaw sa kanilang mga tahanan bilang tanda ng pagdating ng Kapaskuhan.

Ang sinasabing “Ber Months” ay tila para sa buwan na lang ng Disyembre.

Pero kahit ngayong nagsimula na ang Disyembre, hindi pa rin makitaan ang maraming tahanan ng palatandaan ng Kapaskuhan gaya ng mga krismas layt.

Alam ba ninyo ang dahilan?

Sabi ng marami, “Huwag tayong magsasabit ng krismas layt dahil pag ginawa natin yan, magsimula na ang panganga-roling ng mga bata, la-sing, katutubo at iba pa. Mabuti kung may maibibigay sa mga ito!”

Gets n’yo na, Suki?

oOo

Meron nga lang kapansin-pansin naman at ito’y sa mga lansangan.

Ang daming nangangasiwa ng trapiko na pulis at traffic enforcer.

Ito’y para matiyak umano ang kaligtasan mula sa mga istrit kriminal ang mga naghahanda sa Kapaskuhan.

Pero alam ba ninyo ang ating napansin?

Yang kumita ang higit na pinagkakaabalahan ng mga ito kaysa mag-ayos ng trapiko.

Huli rito, huli roon ang ginagawa ng mga ito sa mga motorista.

Pati padyak boys pinagti-tiyagaan nilang hulihin.

Sa ating mga interbyu sa kanila habang hindi tayo nagpapakilala sa kanila na mediaman, gusto nilang makarami ng komisyon sa huli at nakatutulong nang malaki ang sistemang kota ng kanilang mga bosing para kumita rin ang mga ito.

Para umano may pang-noche buena, media noche at panghulog ng hinuhulugan nilang mga motorsiklo at panggasolina sa mga ito.

‘Yan ang matuwid na daan, PNoy!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply