Napaghiwalay na Pinay conjoined twins sa US pauwi na

PABALIK na sa Pilipinas ang Pinay conjoined twins na matagumpay na napaghiwalay sa Amerika.

Matatandaang matagumpay ang operasyon upang paghiwalayin ang kambal matapos ang 10 oras sa isang ospital sa Palo Alto, California.

Sa kauna-unaha namang pagkakataon matapos ang operasyon ay nagpakita na sa publiko sina Angelica at Angelina Sabuco kasama ang kanilang inang si Ginady.

Ayon kay Ginang Sabuco, excited na siyang umuwi sa Pilipinas upang makitang nakikipaglaro na sa ibang bata ang kanyang kambal.

Kuwento ni Ginady, hindi pa komportable sina Angelica at Angelina nang magising pero matapos ang ilang araw ay bumalik na rin ang kanilang sigla ng katawan.

“When they woke up, they were at first shy with each other,” dagdag pa ni Mrs. Sabuco.

Sina Angelica at Angelina ay dating magkadikit mula dibdib hanggang tiyan.

Sa isinagawang operasyon, pinaghiwalay ang kanilang liver, diaphragm, chest bones at abdominal walls.

Napag-alaman na umaabot sa 40 doktor at operating staff sa pangunguna ni Dr. Gary Hartman ang nagsagawa ng maselang operasyon para mapaghiwalay ang kambal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply