‘Panggigipit’ kay GMA, karma – Grace Poe

WALANG ibang nakikita ang anak ni yumaong Fernando Poe Jr., sa nangyayari sa pamilya Arroyo kundi ang kinakarma si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa mga baluktot at ilegal na gawain nito sa nakaraang administrasyon.

Sa panayam matapos ihain ang badyet sa Senado, sinabi ni Grace Poe Llamanzares, chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na dapat manaig ang katarungan partikular sa mga lehitimong sigaw ng mga inapi ng nakaraang administrasyon.

“In her term, there are so many had suffered yun nga talaga di makatarungan. They invented laws including executive orders to do what they want to do. So, for me, they now feel what they have done before,” ayon kay Llamanzares nitong Huwebes.

Sa kanyang pagtatanggol kay Justice Secretary Leila de Lima at administrasyon, sinabi ni Llamanzares, na dapat pasalamatan pa ang kalihim at si Pangulong Benigno Aquino III sa katapangan nitong suwayin ang batas upang maipagtanggol lamang kung ano ang katotohanan.

Pinasalamatan din niya si Pangulong Aquino na ipinaglalaban ang kanilang paniniwala upang mabigyan ng katarungan ang mga taong inapi at nagipit sa panahon ng administrasyon ni Arroyo.

Hindi rin pinaniniwalaan ng hepe ng MTRCB na babalik ang pamilya Arroyo sakaling payagan silang makalabas ng bansa upang makapagpagamot ang dating chief executive dahil may nauna nang ipinangako si Mrs. Arroyo na hindi natupad.

“Para sa akin, kahit sabihin pa nilang babalik sila, na may pronouncement sila, personal ito, bilang anak ni FPJ, bilang isang Pilipino, hindi nagtatrabahio sa gobyerno. Masasabi ko lang ito – na gusto ko talaga panagutan nila, kung ano man ang mga paratang sa kanila. Sila na ang nagsasabi give them their day in court. Mahirap na kasi na ipinaratang sa kanya, eh wala naman sila dito eh dahil hindi natin masasabi kung gaano katagal. Alam naman natin justice delayed is justice denied. Sana na lang para sa kin, gusto ko talaga na nandito ang mga dapat managot,” giit ni Llamanzares.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply