Bading grinipuhan ng natipuhang bagets

NASA kritikal na kondisyon ang isang bading na nars makaraang saksakin ng isang menor de edad na kaniyang natipuhan sa lungsod ng Bacolod.

Nakilala ang biktima na si Iril Ian Rollo, 24, residente ng Brgy. Pahanocoy, Bacolod City.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na ang biktima ang nagyaya na makipag-inuman sa menor de edad at mga kasamahan nito kung saan makaraang malasing si Rollo ay nagpahayag ito ng pagkagusto sa suspek.

Hindi pumayag ang suspek sa gustong mangyari ng biktima kung kaya’t nag-away ang dalawa at nag-agawan sa kutsilyo.

Sa ngayon ay nahuli ang dalawang kasama ng menor de edad dahil sa isinagawang follow up operation ng pulisya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply