Nasaan ka, Ramona?

NAGING trending sa Twitter ang pag-alis sa bansa ng half sister nina Senator Bong Revilla na si Ramona “Mara” Bautista patungong Hong Kong sa gitna ng imbestigasyon kaugnay ng pagpatay sa kapatid nilang si Ramgen Revilla na diumano’y isinasangkot siya.

May mga jokes ka pang mababasa na tinalbugan daw ni Ramona ang ‘Nasaan ka, Eliza?’ at uso ngayon ang Nasaan ka, Ramona?.

May mga nag-tweet din ng Lipad Ramona, Lipad.

Nag-react si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa pag-alis sa bansa ni Ramona.

“Ito ay sign of guilt. Hindi siya dapat umalis. Kailangan hinarap niya itong problema na ito,” sey ni Senator Bong sa ‘Bandila’.

Dahil sa naunang tinuran ni Senator Bong, kumbinsido ba siya na “guilty” sa krimen si Ramona?

“In the first place, hindi siya dapat umalis. Dapat hinarap niya itong mga imbestigasyon kung talagang siya ay hindi guilty.

“Ang dapat malaman natin ngayon ay kung sino ang nagpaalis sa kanya, kung sino ang nag-escort sa kanya para umalis, at ano ang ginawa ng kapulisan kung bakit siya nakaalis. Kung talagang umalis siya, this is a sign of guilt.

“Maski kami, kasama na kami sa magko-condemn sa kanya sa ginawa niyang ito. Parang lalo niyang inipit yung kapatid niya sa ginawa niyang ito,” deklara pa ni Senator Bong.

Ano ang comment ni Senator Bong sa pahayag ni Ramona na hindi siya kinidnap?

“That’s true, I heard it. Talagang nakakagulat. Bakit siya nagsisinungaling? Bakit siya tatakas? So, yung sunud-sunod na ginagawa niya, ano ba ito… kung ano yung iniisip n’yo, yun na rin ang iniisip namin. At siyempre, masakit para sa amin ito. But we have to accept it. I really don’t know,” aniya pa.

“I hope you understand kung ano yung nararamdaman ng pamilya namin ngayon. Namatayan kami ng kapatid, tapos eto, accused yung dalawang kapatid pa namin. I really don’t know,” sambit pa niya.

Ano ang huling mensahe sa kaganapang ito?

“Muli, mga kababayan, ipinaaalam ko po sa inyo na hindi po natin ito-tolerate yung mga ganyang gawain. Basta tayo’y maninindigan sa tama. Umasa kayo na kasama n’yo po ako para patunayan ang katotohanan.

“The rule of law must prevail. Justice for my brother and let the guilty be punished.”

Tsuk!

-0o0-

NANINIWALA sa showbiz ang 1st district Rep. ng Cagayan na si Rep. Jack Enrile sa showbiz dahil nananalaytay din sa dugo niya ang showbiz. Anak siya ni Senator Juan Ponce Enrile at pamangkin ni Armida Siguion Reyna, known to many of us as Tita Midz, na malaki ang naitulong sa entertainment industry di ba?

“Malaking bagay para sa amin ang entertainment yes, I believe in showbiz too. Nakatutuwa talaga ang mga pinoy, including some of my close friends, tuwing nagbabasa sila ng mga broadsheets and tabloids, lagi nilang binubuksan ang entertainment page muna bago nila basahin ang mga ulo ng mga balita. Grabe ang impact ng showbiz sa tao. Nakakatuwa, di ba? it only means one thing, they love showbiz and I am willing to provide that to them, if necessary,” bulalas ni Rep. Jack na nakipag-tie up na with Jobert Sucaldito’s Front Desk Entertainment Production for some future events.

Basta sa ngayon, excited si Rep. Jack Enrile na paliligayahin ang kaniyang mga kababayan sa pamamagitan ng entertainment providing shows for them supporting entertainment shows in every part of this country if needed. Hindi naman puwedeng ikailang pamangkin siya ng iginagalang na actress/singer/producer na si Ms. Armida Siguion Reyna, known to many of us as Tita Midz, na malaki ang naitulong sa entertainment industry di ba?

It wasn’t a bed of roses for this man then kaya para makaiwas sa mga mapanuring mga mata, he left for the states at a very young age and soul-searched. There he became very independent – it wasn’t an easy life. Imagine, pinutulan ng credit line ng kaniyang ama para matutong mabuhay mag-isa. Ang dating happy-go-lucky na si Jack Enrile ay walang choice kungdi ang harapin ang mundong mag-isa nahanap nga niya finally ang sarili.

This only son and namesake of Senate President Juan Ponce Enrile of Manila. Jack completed his elementary (1972) and high school (1976) education from Ateneo de Manila University, he finished his bachelor of arts at Christian Heritage College, El Cajon, Califonia and his presidential Masters in Business Administration at Peperdine University, Malibu, Califonia. He is now married to former Cagayan Province Congresswoman Salvacion “Sally” Santiago of Angat and Guiginto, Bulacan. They have two kids: Sarah Simone or Sara, 18 years old and Samuel, 10 years old. He also has two children from a previous relationship: Kristine Kamille or Kriska 32 years old and Maria Karina or Ina, 30 years old and is a proud grandfather of Matteo, 10 years old.

Now, he is very much involved in politics kung dati’y ayaw na ayaw niya rito, he has embraced this job and enjoys helping his constituents in Cagayan. A non-conventional change agent, Rep. Jack has stood up for fairness and equity believing that uplifting the lives of Filipinos can only be done if one empowers them and involes them in the process. The original author of Batas Kasambahay or the Magna Carta of Household Helpers, he is also the author of Anti-Trust, increasing the allowable personal and additional exemptions of individual taxpayers; reducing the income tax rates of individual taxpayers; defending the crime of home invasion, among others. He is also an advocate of sovereignty and credit card reform. Maraming naipasang bill si Rep. Jack Enrile dala ng kasipagan at pang-unawa sa pangangailangan ng kaniyang nasasakupan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply