Natakot sa holdap, bebot tumalon sa FX

COMATOSE ang 22-anyos na dalagang usherette sa SM Sucat Cinema matapos tumalon sa sinasakyang pampasaherong Tamaraw FX sa kagustuhang makaiwas sa dalawang holdaper na nagdeklara ng holdap sa Parañaque City.

Patuloy na inoobserbahan sa Parañaque Medical Center si Melissa Belunta, ng 33 Jonathan St., Annex 41, Sun Valley sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan kaya idineklara ni Dra. Jessiree Dazo na nasa malubha pa rin siyang kalagayan.

Natangay naman ng dalawang hindi pa nakilalang holdaper ang salapi, cellphone at iba pang personal na gamit ng driver na si Joseph Armorcilla, 37 at tatlo pang pasahero na sina Andrea Inocencio, Rodolfo Alvera, Jr., 26 at Carlos Joseph del Mar, 26, pawang naghain na ng reklamo sa pulisya.

Sa report ni SPO2 Allan Abano ng Investigation Section ng Parañaque police, tinatahak ng pampasaherong Tamaraw FX (TWZ-586) na minamaneho ni Amorcilla ang kahabaan ng Dr A. Santos Avenue, patungo ng Sucat nang magdeklara ng holdap ang dalawang suspek na kapwa armado ng baril at patalim pagsapit sa Valley 2, Barangay San Antonio dakong 10:25 ng gabi.

Sa takot na makuha ang salapi at personal niyang gamit, nagpasyang tumalon si Belunta na nakaupo sa hulihang bahagi ng sasakyan kahit mabilis pa ang takbo ng sasakyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply