National Inter-Cities and Municipalities magsisimula na

IKAKASA na ang pinakahihintay na pagsasalpukan ng mga matitikas na chess players ng bansa sa magaganap na 2011 National Inter-Cities and Municipalities Chess Team Championship sa Tanauan City, Batangas.

Nangunguna sa listahan ng magagaling na woodpushers ng Pilipinas si Grandmaster Wesley So, (Elo 2659) na tinatayang top favorite ang kanyang team Tagaytay City sa event na mag-uumpisa sa Biyernes (Nobyembre 4).

Kasama ni So sa team si NM Edmundo Gatus na maglalaro sa board 2.

Ang ibang paboritong teams sa event ay ang Mandaluyong City na gagabayan na Philippine chess ranked No. 3 Rogelio “Joey” Antonio (Elo 2557), rerendahan naman ni GM Darwin Laylo (Elo 2502) ang Misamis Oriental, aakayin ni GM John Paul Gomez (Elo 2506) ang Tagbilaran City. Si GM-elect Richard Bitoon (Elo 2515) naman ang mamumuno sa Tandag City habang si IM-elect Richelieu Salcedo (Elo 2199) ang pambato ng FEU-Manila. Si GM-elect Oliver Barbosa na umakyat sa No. 2 ranked ng Philippine chess ang magtataguyod sa tagumpay sa host team.

“The inter-cities and municipalities is one of the most anticipated events in our calendar,” ani NCFP president/chairman Prospero “Butch” Pichay. “It’s a great warp-up event for our top players before they compete in the Southeast Asian Games.” Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply