Nawalan ng trabaho sa mga kumpanya ng bus humingi ng saklolo

HUMIHINGI ng tulong sa gobyerno ang libong driver, conductor, inspector, messenger at mekaniko na apektado sa pagkansela sa prangkisa ng dalawang kumpanya ng bus at pagsuspinde sa 18 iba.

Ayon sa mga apekdatong driver at mga kasama, sa hirap ng buhay at trabaho ngayon ay hindi sila makakahanap agad ng ikabubuhay.

Tinatayang libu-libong indibidwal kasama ang mga pamilya ng mga ito ang naapektuhan ng pagkakansela at pagsuspinde sa mga kumpanya ng bus ng Department of Transportation and Communications at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Kaugnay nito umapela sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga apektadong pamilya na bigyan sila ng pansamantalang ayuda habang naghahanap sila ng trabaho o bigyan na sila ng mapagkikitaan hanggang hindi pa inaalis ang suspension ng kanilang mga bus company.

Nanawagan din ang mga apektadong driver at mga pamilya nito kay Presidente Benigno Aquino na pakinggan ang kanilang panawagan na bigyan sila ng trabaho.

Nauna nang kinansela ng DOTC ang franchise ng Corinthian Liner na may 121 units at Jell Transport  na may 126 units matapos mapatunayan na lumahok ito sa ginawang transport strike noong Nobyembre 15, 2010 bilang protesta sa ipinatupad na color coding upang makabawas sa trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Kasama rin sinuspindi ang  ES Transport, Bovjen Transport, Eduardo Palma, E&E Royal Couple Bus Inc, City Bus Inc, Philippians Bus Lines, Newman Goldliner, Rainbow Express, Jayross, Lucky Seven Tours, Laguna Star Bus Transportation System, JRMS, Golden Sky Transport, Mannrose Liner, Vill 5000, Margarito Peñalosa, Jacinto Torres at Luzon Bus. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply