NBA games kanselado hanggang Disyembre 15

IPINAGBIGAY-ALAM na ng National Basketball Association sa mga koponan na ang regular season games ng liga ay kanselado na hanggang Dec. 15.

Ito ay dahil pa rin sa labor dispute na nag-ugat sa lock out ng mga players limang buwan na ang nakararaan, ayon sa league spokesman.

Tuluyan nang binura ng NBA ang unang buwan ng regular season na unang itinakda sana na magsisimula noong Nov. 1.

At ang huling hakbang naman ay ginawa isang araw matapos tanggihan ng mga atleta ang contract offer kabilang na ang mga plano na mapaikli ang season.

Ayon kay NBA Comissioner David Stern, ang 2011-12 campaign ay maaaring magsimula sa kalagitnaan ng Disyembre sakaling maisarado na ang deal sa pagitan ng dalawang kampo.

Ang pinakahuling collective bargaining agreement na ibinasura ng mga players ay ang 50-50 na hatian sa kita ng basketball.

Samantala, naghain na ang professional basketball players ng class action lawsuit laban sa NBA dahil sa antitrust violations.

Una nang sinabi ng grupo ng mga player na hindi na nila tatanggapin ang collective bargaining at magiging isang trade association na ito upang maipagpatuloy ang legal action laban sa liga dahil upang makompromiso ang 2011-12 season.

Kabilang sa mga nagreklamo sina Carmelo Anthony, Chauncey Billups, Kevin Durant, Kawhi Leonard at Leon Powe.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply