NBI: Imposibleng mailagay si Ramona sa red notice list

IMPOSIBLENG mailagay sa red notice list ng Interpol si Ramona Bautista, isa sa itinuturong suspek sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Ramgen Revilla.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Magtanggol Gatdula, bagamat wala pasiyang natatanggap na kautusan mula kay Justice Secretary Leila De Lima upang makipag-ugnayan sa Interpol para matukoy ang kinaroroonan ni Ramona sinabi nito na hindi ito maaring mapasama sa red notice list.

Sinabi ng opisyal na dapat ay may warrant of arrest at may sentensyang hindi bababa sa dalawang taon ang inilalagay sa red notice list ng interpol.

Dagdag pa ni Gatdula, ang tanging magagawa lamang ng ahensya ay ang humingi ng imporamsyon sa Interpol hinggil sa kinaroroonan ni Ramona.

Kailangan din aniyang makipag-dayalogo ang matataas na opisyal ng Pilipinas sa Turkey government dahil walang umiiral na extradition treaty ang dalawang bansa kung sakaling puwersahang pabalikin ng bansa si Ramona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply