NBI may mga bagong armas

INIHAYAG ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) na may paparating na 200 bagong armas ang ahensya na gagamitin ng kanilang mga ahente sa mga operasyon.

Ayon kay NBI Director Atty. Magtanggol Gatdula, ito ay gagamitin nila sa mga maseselang operasyon laban sa mga sindikato.

Sinabi rin ng director na sinisimulan na ang renovation ng NBI firing range sa mismong NBI Headquarters sa Taft Ave., Maynila, na ginawa nang mas high tech ang mga equipment nito at movable targets.

Kinuha naman umanong re-construction ng target range ang firing range ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika upang masiguro ang tamang set-up sa bagong indoor firing range ng ahensya.

Inanyayahan naman ni Gatdula ang mga ahente ng ahensya na regular na bisitahin ang kanilang firing range sa pamamagitan ng madalas na pagpa-prcatice sa paggamit ng kanilang baril upang magamit ang kanilang natutunan.

Samantala, plano namang imbitahan ng ahensya si President Benigno “Noynoy” Aquino III upang siyang maunang gumamit ng makabagong firing range.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply