NBI: Ramona Bautista wala na sa Turkey

AYON sa National Bureau of Investigation (NBI), wala na umano sa Turkey si Ramona Bautista, isa sa mga suspek sa pamamaslang sa kapatid na si Ramgen Revilla.

Sinabi ng NBI, ito ay base impormasyong ipinarating ng Turkish authorities sa International Police Organization (Interpol) na naka-base sa Ankara, Turkey.

Batay sa ulat, dumating sa Istanbul Ataturk Airport si Ramona noong ika-5 ng Nobyembre ng umaga ngunit umalis din ito ng Turkey sa parehong araw.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan ang NBI sa 188 Interpol-member counties para matukoy ang kinaroroonan ni Ramona.

Samantala, bukas (Nobyembre 16) na ang nakatakdang pagbasa ng sakdal sa kapatid ni Ramona na si Ramon Joseph “RJ” Bautista sa Parañaque Regional Trial Court para sa kasong murder at frustrated murder na isinampa laban sa kanya kaugnay sa pagpatay sa kapatid na si Ramgen.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply