Negosyante, broker sinampahan ng P96-M smuggling case ng BOC

DAHIL sa tangkang pagpuslit ng 3,915 laptop computers na nagkakahalaga ng P96 milyon, nahaharap ngayon sa smuggling case ang isang negosyante at broker sa Department of Justice.

Kabilang sa mga kinasuhan ng Bureau of Customs ay ang may-ari at general manager ng Orza Marketing na si Rolando Peralta at broker na si Manuel Lancero Sarmiento.

Ayon sa BOC, nilabag ng mga ito ang Tariffs and Customs Code of the Philippines.

Nadiskubre ang mga kargamento na idineklarang computer parts at monitors na mga Asus brand laptop computers.

Ayon sa BoC, ang mga computer ay mula pa sa China at umaabot sa halagang P96,840,590.96.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply