Negosyante dinukot sa Batangas

ISANG kilalang negosyante sa lalawigan ng Batangas ang puwersahang tinangay kahapon (Lunes, Nobyembre 7) ng mga aramdong kalalakihan, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Base kay P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., naganap ang pagdukot bandang alas-8:50 ng umaga sa bisinidad ng Barangay Malinis Lemery ng nabangit na lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon ay kinilala ang hinihinalang kidnap victim na si Wilfredo Malabanan y Sanchez, 40-anyos.

Nabatid na sakay ang biktima ng kanyang kulay abohin na Mitsubishi Lancer (TFY-417), ng dukutin ito ng mga suspek na sakay  ng kulay itim na Honda CRV na nakuha lamang ang numerong “101” at isang kulay puting back up car na naitala lamang ang huling tatlong numero na “241.”

Pitong lalaki na pawang armado ang puwersahang tumangay sa biktima at mabilis na tumakas sa hindi pa malamang direksyon.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang Lemery police habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply