Never raw nanggamit ng tao sa tanang buhay niya!

NAPABABALITANG may magandang namamagitan ngayon kay Kean Cipriano at ang celebrity stylist na si Liz Uy.

“Ewan ko sa kanila pero Liz and I are good friends,” say ng singer/actor na may balik-tambalan silang project ni Alex Gonzaga sa TV5.

“Were strictly friends, really good friends ano yun eh napakabait na tao yun, napakatotoo, napaka-brilliant, napakagaling,”aniya pa.

Posible kayang ma-develop siya kay Liz?

“Mahirap kasi mag-ano eh yung sasabihin (na ganun), baka merong mangyari pero ayoko, ayokong sirain yung magandang pagkakaibigan namin,” aniya pa.

Usap-usapan din ang isyung ginagamit lang niya ang popularity ni Vice Ganda kaya dumidikit siya rito.

“That’s bullshit, I’m sorry for the word pero kalokohan yun dahil ako yung taong palakaibigan ako pero ako respetado ko yung taong nakakasama ko sa buong career ko. Sa buong buhay ko never ako nang tapak ng tao, never ako nanggamit nang kung sino man.”

‘Yun  na!

-0o0-

TAPOS na ang kontrata ni Carmina Villarroel sa GMA-7 kaya matunog ang alingasngas na lilipat na siya ng TV5.

Ayon sa aktres-TV host, totoo raw na may mga nangyayaring pag-uusap ngayon sa pagitan ng kanyang manager na si Dolor Guevarra at ilang TV executives.

“May talks sa lahat. Kaya lang, naka-float pa kami siyempre dahil meeting dito, mee-ting, dyan, meeting doon. Lahat open kaya mahirap, Wala akong masabi.”

Balitang bukod sa Kapatid Network, may offer rin sa kanya ang ABS-CBN at ang GMA-7, gusto pa rin daw naman siyang i-maintain bilang isang Kapuso Star.

“Ipinauubaya ko na lang sa manager ko ang pagdedesisyon tungkol diyan. Siya na ang bahala. Alam naman niya kung ano ang mas makakabuti sa career ko,” sey niya.

-0o0-

BONGGA ang line up ng mga kandidata ng 2011 Amazing Philippine Beauties na magkakaroon ng Grand Coronation Night sa Nov. 19 sa Manila Film Center CCP Complex Pasay City ng 8 p.m. na hatid ng Center For Philippines Arts & Cultural Entertainment Ass. Inc. at sa pakikipagtulungan ng Pasay City Tourism Cultural Development Office. Hosted by John Nite at Jackielou Blanco.“ This year marami ang masasabing magagandang kandidata although every year naman ay magaganda ang mga candidates ng Amazing Philippines Beauties. Pero ngayon may mga controversial na candidates.”

“Like si contestant number 7 (Zyerene Verona) na dating young star (Akiro Verona) na regular guest sa “Walang Tulugan, With the Mastershowman” at umamin na may asawa ng straight guy.”

“Bale 9 years na ang Amazing Philippine Beauties at 7 years na akong host nito, naniniwala kasi ako sa layunin nila na tulungan ang mga Pinoy Transgender na magkaroon ng trabaho through their shows at ipakita sa buong mundo kung ano ang kayang gawin at kung gaano kagaganda ang mga Pinoy Transgender.

“Ang pagkakaalam ko nga by next year ay magiging Internatiuonal na ito kung saan iba’t ibang bansa na ang magku-compete sa taonang Amazing Philippines Beauties,” ayon kay John Nite.

Mula sa 25 na naggagandahang kandidata ay 1 ang mananalo at tatanghaling Amazing Philippine Beauties 2011 at kokoronahan ng last year na si Belo Ann Francisco na Angel Locsin look-alike at tubong Batangas, kung saan bukod sa cash price na mapapanalunan nito ay magiging regular performer siya sa Amazing Philippines katulad ni Belo Ann na kamukha ni Angel Locsin. May ilang kandidata rin ang maykanya-kanyang kamukhang artista katulad nina candidate No. 1 na kamukha ni Toni Gonzaga, samantalang Solenn Heusaff look-alike naman ang candidate No. 2. Kamukha naman ni Aubrey Miles si candidate No. 15.

Iza Calzado look alike naman ang controversial candidate na si No. 7 na umaming dating young actor mula sa Kapuso Network, habang kamukha naman ni Yaya Moi (Piolo Pascual ) ang candidate No. 17, kahawig naman ni Mariz ang candidate No. 22 at Sexbomb Myka look-alike naman ang candidate No. 23 at Dindi Gallardo Look a like naman ang candidate No. 10.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply