New Port Condominium tinupok ng apoy

UMABOT na ngayon sa  ikatlong alarma ang nagaganap  na sunog sa New Port Condominium sa Andrew Avenue, Juan Luna Street sa lungsod ng Pasay.

Ayon sa Bureau of fire ng Pasay, nagsimula kaninang alas-9:53 ng umaga ang naturang sunog.

Nagmula ang sunog sa pinaka-basement ng naturang condominuim at faulty electrical wiring ang naging dahilan nito.

Sa ngayon  patuloy parin ang isinasagawang pag-apula ng apoy ng mga bomber kung saan sobrang kapal na ng napakaitim na usok na nagmumula sa ibabang bahagi ng naturang gusali. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply