News blackout ipinairal ni Torres sa LTO

IPINAIIRAL ngayon ang news blackout sa Land Transportation Office (LTO) makaraang magpalabas ng abiso ang ahensiya hinggil sa media interviews at sinabing kay DOTC Secretary Mar Roxas na lamang dumirekta para sa interview na may kinalaman sa ahensiya.

Sinabi ni Menelia Mortel, chief executive assistant ng LTO, Operations Chief, Internal Auditor at Chairman ng Bids and Awards Committee ng LTO, hindi na makikipag-usap sa media si LTO Chief  Virginia Torres dahilan sa aniya ay nagpalabas na ng order si Secretary Roxas na siya ang kapanayamin kapag tungkol sa LTO.

Kasabay nito, ipinaalis din ni Torres sa General Services Division ng LTO ang linya ng kuryente sa LTO Media Center dahilan para wala nang makagawa ng balita sa mediamen na nagko-cover sa naturang ahensiya.

Palaisipan din sa mga kasapi ng mga media na nagko-cover sa LTO kung bakit kailangang papuntahin pa ang mediamen na nagko-cover sa QC beat gayung ang DOTC ay eastern beat na magkahiwalay na lugar.

Nais din ng mediamen na ilabas ang tunay na dahilan ng pagpapaalis sa mga media na nagko-cover sa ahensiya gayung matagal nang natanggal ang Xerox copier na unang ipinalagay ni Torres para magamit ng mediamen sa pagkopya ng mga dokumento at releases na kailangan sa trabaho.

Kinuwestyon din ng naturang grupo kung bakit pinagtitripan ni Torres ang mga media gayung maraming usapin ang dapat nitong pagtuunan ng pansin tulad ng napapaulat sa ANC TV na kaanak daw ni Torres ang sinasabing nagrehistrro sa mga nawawalang sasakyan sa Subic Zambales.

Dapat din anilang pagtuunan ng pansin ang pagbabalik ng RFID fee sa mga motorista, pagkakaroon ng bagong kontrata sa drivers license na patuloy na binabayaran ng LTO ang kumpanya dito na matagal nang paso ang kontrata, ang tungkol sa naglipanang kambal na plaka at mga mauusok na sasakyan gayundin ang colorum vehicles.

Hinimok din ng mediamen na tularan ni Torres ang pamunuan ng LTFRB na bukas sa media sa pagsisiwalat ng mga impormasyon tungkol sa ahensiya, kabaliktaran ng LTO na mistulang may itinatago sa media na ayaw ipabunyag sa taumbayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply